Pag - Ibig
Isa sa pinaka-katangitanging bagay sa mundo ang pag-ibig. Ngunit, ano nga ba ang pag-ibig? Simula ng tayo ay bata pa laging natatanong sa “slumbook” ang tanong na What is Love? Ang kadalasan na naisasagot natin ay “Love is Blind”. Ngunit, karapat-dapat bang tawagin na bulag ang pag-ibig? Maraming siyentipiko, mananaliksik at iba pa ang nagnais na bigyan kahulugan ito. Ngunit halos lahat ay di natagumpay ukol dito. Masasabi natin na ang pag-ibig ay pagmamahalan ng dalawang magkasintahan, ng magulang sa kanyang mga anak at lalo’t higit ang pagmamahal ng Diyos sa atin. Napakakumplikado at supersibo ng pag-ibig dahil napakalawak nito at napakahirap hanapin ang totoong kahulugan. Lahat halos ng mga teorya ukol dito ay naglalaban-laban o nagkakaiba-iba. May isang teorya ng pag-ibig ang nakapansin sa akin. Ang teorya ni Robert Stenberg ,isang psychologist,ayon sa kanya ang pag-ibig ay may tatlong mahahalagang sangay. Ang unag sangay ay ang Lapit(Intimacy) o ang pagkakalapit ng dalawang tao. Ang ikalawa naman ay ang Simbuyo ng Damdami(Passion) ito ay ang atraksyon sa pagitan ng dalwang tao. Ang huli at ang Ikatlo ay ang Pagsasama(Commitment) ito ay ang pagsama ng dalawang tao sa isang bubong. Ang tatlong sangay na ito ang nakakaapekto sa pag-ibig. Kanya din itong kinategorya, una dito ang NonLove o ang pagkawala ng tatlong sangay. Ang Friendship o pagkakaibigan naman ay ang pagkakaroon ng Intimacy o pagkakalapit sa isa’t isa. Ang Infatuated Love naman ay pagkakaroon ng Passion o Simbuyo ng Damdamin na sangay. Sunod naman ay ang Empty Love o pagkakaroon lamag pagkakatali o Commitment na sangay isa sa pinakamagandang halimbawa nito ay ang “Fixed Marriage” dahil napipilitan lamang ang dalawang tao na magsama. Sumunod naman dito ay ang Romantic Love ito ay ang pinagsamang Intimacy at Commitment. Companionate Love ay ang pinagsamang Intimacy at Passion, ito ay ang mas matibay sa pagkakaibigan dahil may nararamdaman sila sa isa’t isa. Fatuos Love ay ang pinagsamang Passion at Intimacy mas malaki ang epekto ng Passion dito kumpara sa pagkakaroon ng Intimacy. At ang Consummate Love naman ay ang pinagsamang tatlong sangay kung saan ang tatlong sangay ay nagsasama sama ng mabuti at masasabi nating true love.
Ang teoryang ito ay isa lamang sa maraming teorya sa pag-ibig. Ngunit para sa akin ito ang pinakamalapit sa tunay na depinisyon ng pag-ibig. Ang pag-ibig nga ay tunay na komplikado. Mahirap alamin, mahirap ipaliwanag at higit sa lahat ito ay napakamisteryoso. Ang Pag-ibig nga ay tunay na kakaiba sa lahat ng emosyon ng tao, dahil ang pag-ibig ay pinagsama sama na lahat ng positibong emosyon ng tao. Tuwa, pagkakonteto, pagtitiwala at iba pang positibong emosyon a nakukuha sa oras na ikaw ay umiibig ngunit may malaking problema tayo sa oras na umiibig tayo. Minsan ay inaabuso nila tayo sa pamamagitan ng paggamit ng ating kakayahan sa kanilang pagsikat. Ang Pag-ibig nga naman. Handang tahakin ang lahat ng bundok, bangin at kahit ano pang problema. Ngunit, isa lang ang totoo sa pag-ibig. Ang pag-ibig ng Diyos sa atin dahil wika nga nila “Hindi mo kayang ibigay ang wala ka”.
Kung tatanungin mu ako kung ano ang pag-ibig ito ang aking maiisasagot. Ang pag-ibig ay masasabi nating mulat at bulag dahil tulad ng Diyos sa atin na kahit gaano tayo kasama ay lagi pa rin nya tayong tinatanggap kahit na mulat sya sa ating kasamaan. Hindi nya tayo bibigyan ng ikalawang pag-asa bagkus nagbibigay sya sa atin ng matatag na puso upang ang pag-ibig nya ay ating matanggap.